Selasa, 03 Mei 2011

Kahalagahan ng oras at panahon sa ating pananalapi

Kahalagahan ng oras at panahon sa ating pananalapi

"Ang oras ay ginto" Lumang kasabihan pero totoo. Inihalintulad ang oras sa ginto dahil kagaya ng ginto ang oras ay mahalaga rin sa buhay ng tao. Lahat ng tao maging mahirap man o mayaman, lalaki man o babae meron nito habang nabubuhay. Depende na lang kung saan ginagamit ang oras mo. Gamitin sa pagtatrabaho o kaya gamitin sa pagpapalago ng pera o pwedeng pareho.
Nasa iyo ang desisyon. Sa negosyo, lalo na kung ang produkto ay yun nabubulok o madaling masira, kinakailangan agaran na maibenta ang produkto para kumita at kung hindi, maaaring ikalugi ng isang negosyo. 

Meron naman negosyo kagaya ng sa lupa, kinakailangan muna magpalipas ng ilang taon at hintayin tumaas ang presyo bago ibenta at pagkakitaan. Sa ganitong halimbawa masasabi natin na ang oras at panahon ay malaki ang nagiging impluwensya sa ating pananalapi. Sa paglipas ng panahon, lumiliit at bumababa ang kapakinabangan ipambili ang ating pera habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, serbisyo at tax na sinisingil ng gobyerno. 

Kung susuriin, ang mga nakalipas na taon at kung ikukumpara sa ngayon ay may malaking pagkakaiba ang pera noon sa pera ngayon, lalong lalo na sa kapakinabangan at silbi nito. Halimbawa sa pamasahe sa pagsakay ng jeep, noong taon 1995 ang pinakamababang pamasahe ay Php 1.00, kung meron kang 5 pesos na gagastusin bilang pamasahe, malayong lugar na ang pwede mong marating, pagkalipas ng mahigit 15 taon, ang kaparehong bilang 5 pesos kapag gagamitin mo bilang pamasahe sa pagsakay ng jeep, maaaring hindi ka na makarating sa lugar na iyong pupuntahan. 

Hindi man nagbago ang bilang ng ating pera pero nagbabago ang kapakinabangan at silbi nito sa paglipas ng panahon. Inflation ang tawag ng mga eksperto sa pangyayaring ganito, na kungsaan tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo habang lumiliit at bumababa ang kapakinabangan at silbi ng pera sa atin. Para lubos natin maintindihan gumawa ako ng table kung ano ang epekto ng tax at inflation sa ating perang iniimpok sa paglipas ng panahon.

Ipinapakita sa table na nasa itaas. Ang perang ini-invest, na kapag ang interest ay mas mababa sa inflation rate. Sa paglipas ng panahon, humihina at lumiliit ang kakayahan at kapakinabangan nabibili ng pera dahil sa inflation. Ayun sa table sa taas (parteng kaliwa), meron kang Php. 100,000 na naimpok at inilagak mo sa bangko na may interest na 5% kada taon.

Pagkalipas ng isang taon naging Php 105,000 ang pera mo sa bangko pero kailangan ibawas yun tax na ipinapataw ng gobeyerno kaya magiging 104,000 na lang. Sa loob ng isang taon, kasabay ng pagtubo ng pera sa bangko, nagsipagtaasan ang presyo ng bilihin dahilan para tumaas din ang inflation rate, sabihin natin umabot na sa 7%. 

Kung tutuusin, Php 104,000 ang totoong bilang ng perang pwedeng gamitin ipambili. Pero lumalabas na ang katumbas na halaga na lang nito ay Php 97,000 dahil sa inflation, kungkaya ang perang inilagak sa bangko, sahalip na tumaas ang kakayahan, silbi at kapakinabangan na makabili ng marami ay mas bumaba o kumunti pa sa pagkalipas ng isang taon. Para di mangyari ang ganito, kailangan labanan ang inflation, magdagdag ng pwedeng pagkakakitaan, kung magagawa na magkaroon ng passive income mas mainam, iwasan gumastos ng higit pa sa kinita o sinasahod, at humanap ng investment o paglalagakan ng pera na magbibigay ng interest, na mas mataas sa inflation. Kagaya nun nasa table sa taas (parteng kanan). 

Ipinakikita sa table na kapag mas mababa ang inflation rate kesa sa interest, napapanatili at nadaragdagan ang silbi at kakayahan na makabili ng pera. Tatalakayin natin sa susunod na mga araw iba't ibang uri ng investment na pwedeng paglagakan ng pera para kumita. Maaring panuorin ang video sa baba para sa karagdagang paliwanag tungkol sa inflation.






Next to read...

Tidak ada komentar:

Posting Komentar