Senin, 06 Juni 2011

Anong investment ang ayos dito sa Pilipinas?

Anong investment ang ayos dito sa Pilipinas?

Anong investment ang ayos dito sa Pilipinas?
Meron bang investment na ayos dito sa pinas para lumago ang naipon pera? 

Sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na katulad ko , madalas naghahanap tayo ng investment na ayos dito sa pinas at pwedeng paglagakan ng perang naiipon natin para lumago pa ito ng sa gayun ay may maganda at ayos na pagkakakitaan dito sa pinas pagdating ng araw na titigil na sa pagtatrabaho sa abroad. Marami sa atin, nangangarap at sumusubok magtayo ng sariling negosyo.

Kaso dahil nasa abroad hindi nabibigyan at napagtutuunan ng sapat na panahon ang itinayong negosyo kaya kadalasan nauuwi sa pagkalugi. Ang iba naman sa atin, habang may trabaho pa sa abroad, ayos at kuntento na lang sila na i-deposito sa bangko ang kanilang pera. Kung sabagay, nag iinterest naman. 

At para mas mataas ng kunti ang interest, inilalagay nila sa time deposit. Yun nga lang kung gusto natin mamaximize yun interest sa time deposit kinakailangan natin wag kunin hangang sa umabot at matapos yun maturity period. Sa oras na kinuha mo yun perang naka-time deposit ng hindi pa natatapos yun maturity period, lumalabas na hindi rin nagkainterest ang pera mo sa bangko dahil sa babayarang tax, yun tinubo ng pera mo sa bangko napunta lang sa tax, kung ganito ang nangyari, naisiip ko sayang ang panahon.

Sa kagustuhan kong mapalago ang pera ko, naghanap ako sa internet ng mga investment na ayos dito sa pinas at pwedeng paglagakan ng aking pera na maaaring magbigay ng mas mataas na interest kumpara sa time deposit at the same time madali ko rin kunin oras na mangailangan ako ng pera. 

Nagpunta at nagtanong din ako sa mga manager ng ibat ibang bangko sa pinas. Kung anong investment ang ayos dito sa pinas na pwede ko paglagakan ng pera bukod sa time deposit. Meron  silang inioper sa akin. Subukan ko daw itong Unit Investment Trust Fund (UITFs) nila.

Meron apat na klase ang UITFs na pwedeng pagpiliin depende sa iyong plano kung pang madalian o pang matagalan at lakas ng loob na pakawalan ang malaking halaga ng iyong pera. Ito ay ang Money Market Fund, Bond Fund, Balance Fund at Equity Fund. Basahin na lang itong UITFs by banks in the Philippines na pinost ko nun mga nakaraang araw. 

Sabi nila, ayos itong investment, kung gusto mo mapanatili yun puhunan mo at magkainterest ng mas mataas ng 2% - 3% kumpara sa saving deposit at time deposit sa loob ng isang taon ngunit meron itong kunting risk, na may posibilidad na mawala at malugi ang iyong pera. Ipinayo nila sa akin subukan itong Money Market Fund isang klase ng UITFs. 

Ang perang ilalagak mo sa Money Market Fund ay ilalagak o gagamitin din ng bangko sa isang fixed income securities, ibibili nila ng stocks para tumubo sa maikling panahon at oras na tumubo ito sayo rin mapupunta ang kinita o interest. Bale ang babawasin o babayaran mo lang sa bangko ay tinatawag nilang manager's fee kada taon, tapos yun tax para naman sa gobyerno ng Pilipinas. 

Naging interesado ako sa Money Market Fund kasi mas malaki ng kunti ang interest nya kumpara sa time deposit, kaso meron itong risk, oras na ilagak mo ang iyong pera sa Money Market Fund. Sabi ko, paano mo nasabing ayos dito maglagak ng pera kung may risk pala? 

Sabi nun manager, hindi isang uri ng deposito ang UITFs kagaya ng Money Market Fund kaya wala itong insurance o hindi sya sakop ng Philippines Deposits Insurance Corporation (PDIC) na kung sakaling malugi at magdeklara ng bank holiday ang naturang bangko o magsara, maaaring di mo na makuha o mahabol ang iyong pera. Yan ang risk sa paglalagak ng pera sa Money Market.

Bago ko ito sinubukan pinag aralan ko muna mabuti kasi nga natatakot ako na baka malugi at mawala yun inipon kong pera oras na ilagay ko sa Money Market Fund.

Pagkalipas ng ilang buwan matapos kung pag aralan at ipagtanong tanong sa iba ang tungkol dito sa UITFs. Madalas sabihin nila lalo na yun nakasubok na nito, ayos na ayos dito sa pinas ang mga ganyan investment at totoong kumikita ang pera mo ng mas malaki kumapara savings deposit at sa time deposit. 

Isa lang ang madalas nilang sabihin at ipayo sa akin. Tanungin mo ang iyong sarili, kung kaya ba ng iyong dibdib yun risk ng Money Market Fund kung sakaling di maging ma ayos ang takbo nito. At pumili ka ng bangkong maganda ang record at reputasyon para nakakasigurado ka na di magsasara ang bangko.

Total pabalik nako sa trabaho at hindi ko na muna magagamit ang perang naipon ko sa loob ng buong kontrata ko, naglakas loob akong subukan ang Money Market Fund para matutunan ko at maexperience kung paano kikita itong pera ko sa Money Market Fund. Naglagak ako ng halagang 50k dahil ito ang minimum na halaga at so far maayos naman ang resulta. 

Dahil sa internet at madalas nabubuksan ko naman ang site nun bangko, namomonitor ko yun perang inilagak ko sa Money Market Fund kung kumikita ba o hindi.

Ilang buwan na ang nakakalipas napapansin ko na ayos ang interest dito nun pera ko, lumalago sya at mas malaki ng ilang porsyento kumpara sa time deposit. Kaya pag uwi ko ng pinas ang perang inilagak ko sa Money Market Fund ay kumita na. Excited na ko kunin sya sa bangko at may gastusin na ko pagbabakasyon. 

Kayo ba nasubukan na ba ninyo maglagak ng pera sa iba pang UITFs? Sa mga susunod na buwan pag may sapat na akong pera, susubukan ko naman maglagak ng pera sa Bond Fund para malaman ko kung ano ang pinagkaiba nito  sa Money Market Fund at kung bakit sinasabi nila na mas mataas ang risk nito. 

Sa ngayon ay ayos at satisfy ako dito sa interest na binibigay ng Money Market Fund sa akin. Ang kagandahan pa nito, oras na mangailangan ako ng pera, madali ko makukuha ng buo yun perang inilagak sa Money Market Fund anytime kasama pa ang interest. 

Kung hindi ko naman masyado kailangan gamitin yun pera hinahayaan ko na lang nasa Money Market Fund yun pera at patuloy lang nagkaka interest kaya lumalago yun pera ko. Masasabi ko, meron ayos  na investment dito sa pinas na pwedeng paglagakan ng pera mo. Kaya subukan nyo ng maexperience nyo rin kung paano lumago ang pera nyo. 

Ayos na ayos dito sa pinas ang mag invest sa UITF ng mga bangko sa panahon ngayon. Paalala, mas mabuting magsadya o pumunta sa bangko para malaman ang lubos na detalye kung nagnanais subukan ang UITFs.

Update:
Click here to see my UITF portfolio as I monitor the unrealized earnings.

Tidak ada komentar:

Posting Komentar