Inimpok mo makakatulong sayo
Sabi nila kung sino pa yun mayaman, sila pa yun lalong mas yumayaman. Sabi naman ng mga matatagumpay na negosyante nasa disiplina sa sarili at tamang kaalaman lang sa paghawak ng pera ang kailangan para maging matagumpay. At ito ay nagsisimula sa pag iimpok.
Kung meron kang sapat na perang naipon at gustong mapalago, mas makakabuting malaman kung saan pwedeng ilagak o gamitin ang naipong pera para makatulong sa pinansyal na problema. Ayon sa mga matatagumpay na negosyante, payo nila papagtrabahuhin mo ang iyong perang naimpok para kumita.
Inuri nila sa dalawang klase ang ating kinikita. Una: active income; Pangalawa: passive income; Ano ba ang mga ito? Ang active income ay yun perang kinita mula sa iyong pagpapawis, pagbibigay serbisyo o pagtatrabaho, kung hindi ka magtatrabaho wala kang kikitain samantalang sa passive income kahit hindi ka na magtrabaho pero patuloy ka pa rin kumikita ng pera, na kahit natutulog ka, patuloy ang pagdating ng kita, isang simpleng halimbawa na dyan kung ang perang naimpok mo ay inilagay o ideniposito sa bangko.
Sa paglipas ng ilang taon nagkakaroon sya ng interest o tubo, wala ka naman ginawa o tinarabaho sa pera mo kundi inilagay lang sa bangko pero kumikita na, ang tawag dun sa kinikita ng pera mo sa bangko ay passive income.
Maraming klase at pamamaraan ang pwede mong gamitin at paglagakan ng iyong perang naipon para makagawa at magkaroon ka ng passive income. Sa mga susunod na araw ay iisa-isahin at tatalakayin natin yan. Kadalasan, mas marami sa atin, nakapokus at pinagtutuunan ng pansin kung paano magkakaroon ng active income habang naisasantabi lang kung papano magkakaroon ng passive income. Mas ginugusto pa nating maghanap ng trabahong magbibigay ng malalaking sahod kesa pag aralan at alamin kung papano magkakaroon ng passive income.
Maganda at nakabubuti na magkaroon din ng passive income bukod sa active income sapagkat makakatulong ito ng malaki pagdating sayong pinansyal na problema at maaaring ito rin ang magdala sayo ng kalayaan sa pananalapi sa iyong pagtanda.
Pero bago yun, isa-isip natin na mahalagang meron pa rin active income hangat maari, kahit maliit man o malaki ang sahod, dahil malaki ang maitutulong nito para makapag impok ng sapat na halaga na pwdeng magamit upang makagawa at magkaroon ng passive income. Tandaan na hindi mahalaga kung maliit o malaki ang sinasahod, ang mahalaga, kung nagagawa mong makapag-impok.
Basahin ang Kahalagahan ng pag iimpok para malaman kung paano ang tamang pag iimpok. Kung nagnanais at pursigido na talagang gamitin ang perang naipon, para mapalago at magkaroon ng passive income. Simulan mo munang kilalanin ang iyong sarili sa usapin ng pananalapi bago pumasok at bitawan ang perang pinagpakahirapan impokin.
Mahalagang makilala mo ang sarili dahil sa oras na pakawalan at bitawan ang perang inimpok, wala tayong katiyakan kung babalik at mababawi ito ng ganun kadali. Alamin at sukatin ang sarili kung hangang saan ang kapasidad. Kapasidad kung hangang magkano ang pwede at kayang ilaan, bitawan at kung di pinalad pwedeng mawala o mabawas sa iyong naipon. Baka mamaya mawalan o malugi ka lang ng 1000 pesos halos ikabaliw mo na at maging dahilan pa ng iyong pagpapatiwakal.
Kaya mabuting unahin makilala at malaman ang iyong kapasidad sa pananalapi. Pagplanuhan at pag isipan mabuti bago bitawan ang perang naipon.
Sa pagpili ng paglalagakan ng perang naipon, alamin at suriin o maaaring isaalang-alang ang mga bagay na ito. Una: kagaya ng nasabi sa taas, alamin at sukatin ang iyong kapasidad na pwede mong ilagak na halaga; Pangalawa: haba at tagal ng panahon bago mo bawiin/kunin ang iyong perang binitawan, sinasabi ng mga dalubhasa sa pananalapi, mas malaki ang kinikita kung mas matagal na nakalagak kagaya ng sa bangko; Pangatlo: kung sakaling gusto mo na bawiin, gaano kabilis makukuha ang pera.
Kapag handa na ang iyong sarili na bitawan o ilagak ang iyong perang naipon. Simulan mo na maghanap at pag aralan kung anong negosyo o investment ang nababagay sayo na makakapag-bigay ng passive income kagaya ng pag-iinvest sa stock market, o kaya pag gamit ng serbisyong inaalok ng mga bangko at mga kompanya kagaya ng mutual fund at unit investment trust fund (UITF).
Basahin ito Multiple Stream of Income para malaman pa ang iba pang pinagmumulan ng passive income.
Inimpok mo makakatulong sayo |

Next to read...
Tidak ada komentar:
Posting Komentar