Kahalagahan ng pag iimpok
Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahin natin pangangailangan mula sa mga produktong petrolyo hangang sa pagkain ihahain sa hapag kainan, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay atbp. Halos lahat sila nagsisipag taasan ang mga presyo. Hindi natin alam at walang katiyakan kung kailan baba o patuloy lang tataas ang presyo nito sa mga susunod pang araw. Mahirap isipin sa nangyayaring ito eh wala tayo magagawa kundi tangapin na yan ang katotohanan.
Nahihirapan tayo makasabay, lalong lalo na sa ating pinansyal na estado kung saan palaging sinasabi na sapat at kakarampot lang ang sinasahod mula sa ating trabaho. Madalas nasasabi na lang natin sa ating mga pamilya kailangan maghigpit pa lalo tayo ng ating mga sinturon.
Kailangan magtipid, mag impok at iwasan gumastos ng sobra para makaipon ng pera. Pero ang tanong nagagawa ba natin ito? May oras na nakakalimutan at hindi na natutupad ito. Pagdumating ang sahod mula sa isang buwan pagpapatulo ng pawis at pagsasakripisyo, hindi na magkamayaw kung saan gagamitin, gagastusin ang pera at kung anu ang dapat unahin bilhin. Sabi nga ng matatanda "Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga". Naisasantabi na ang mas prayoridad dapat ay ang mag impok para sa oras ng pangangailangang pinansyal at kagipitan.
Matapos o minsan wala pang isang lingo saka lang nalalaman wala pala naitabing pera. Napagtatanto lamang ang lahat kapag wala ng magastos. Naghihintay na lang ulit sa pagdating ng sahod. May pagkakataon na nakakapangutang pa sa kadahilanan kinulang ang badyet o panggastos.
At pagdating ulit ng sahod, sa utang na obligadong dapat bayaran napupunta ang lahat ng kinita mula sa pagtatrabaho. Kung palaging ganito ang takbo ng iyong buhay sa pananalapi malamang sa hindi, wala ka sa direksyon ng pag unlad at kalayaan sa pananalapi o madalas natin madinig wala ka sa pag asenso.
Bakit ko ito nasabi? Natural wala ka kasi naiipon at mali ang iyong paraan sa paghawak/paggasta ng iyong pera. Hindi pa huli ang lahat para baguhin ang nakasanayan estilo ng pamumuhay. Hindi porke nakatapos na ng pag aaral, marunong ng bumasa, magsulat at magbilang ay hihinto na tayong matuto at ipukos na lang ang ating kaalaman sa larangan ng pagtatrabaho.
Meron dyan matagumpay na nakatapos, matataas ang mga gradong nakukuha sa paaralan, may maganda at mataas na sahod sa napasukang trabaho pero bakit hangang sa ngayon hirap pa rin sila sa pinansyal? Meron naman, di nga nakatapos ng pag aaral pero sila itong umaasenso.
Bakit? Dahil nalaman at natutunan nila ang tamang paraan ng paghawak/paggasta ng pera. Alam nila ang kahalagahan ng pag iimpok. Karamihan sa atin hindi pinag tutuunan ng pansin at pinag aaralan ang tamang kaalaman pang-pinansyal.
Ang iba sa atin napipilitan lang mag impok dahil may gustong bilhin pero pagkatapos mabili ang gusto nakakalimutan ng ituloy ang nasimulang pag iimpok. Bakit nga ba mahalaga ang pag iimpok?
Mahalaga ang pag iimpok sa kadahilanang ito ang magdadala sa atin papuntang kalayaan sa pananalapi sa darating na mga panahong hinaharap o sa pagtanda mo. Kung nais natin umasenso sa buhay at kung gusto natin ng kalayaan sa pananalapi, mahalagang alamin din natin at pag aralan ang tamang paraan sa paghawak ng pera, lalong lalo na ang may kinalaman sa pag iimpok.
Sa pag iimpok nagsisimula ang lahat patungo sa direksyon ng kalayaan sa pananalapi at kasaganaan. Mahalaga rin natin malaman ang mga pamamaraan kung paano papalaguin at patutubuin ang mga naimpok na pera.(Tatalakayin natin sa mga susunod na araw) Hindi natututunan at itinuturo sa paaralan kung paano umasenso sa buhay sahalip palagiang ipinapayo lang sa mga mag aaral na ugaliing mag impok ng pera.
Pero paano? yan ang madalas na tanong sa mga nagnanais makaipon. Kung tutuusin madaling sabihin, gusto ko mag impok at makaipon para sa magandang kinabukasan ng aking pamilya, yun nga lang mahirap isagawa. Sa kadahilanang di natin nakasanayan ang mag impok simula pa nun pagkabata.
Kung babalikan natin ang nakaraan, simula ng matuto tayong huminge ng pera sa ating mga magulang nagsimula na rin pumasok/lumabas at dumadaloy sa ating mga kamay ang pera at nagpapatuloy ito hangat tayo ay nabubuhay. Ibig sabihin, nagsimula na tayo maging bahagi ng sirkulasyon at pag ikot ng pera sa buhay natin. Sa pagpasok at pag daloy ng pera sa ating mga kamay ano ba ang ginawa natin?
Kung alam lang natin at maaga tayong namulat sa kahalagahan ng pag iimpok, malamang may naimpok na tayo. Kung wala, ngayon ang tamang panahon para magsimulang mag impok ng pera para sa magandang kinabukasan at maging malaya sa pananalapi. May mga madaling pamamaraan upang maisakatuparan ang pagnanais na makapag impok ng pera. At ito ay magsisimula syempre sa ating sarili. Sa simula alamin at suriin mo muna ang iyong sarili patungkol sa pera.
Sagutin ang tanong na ito, ano ba ang ugali ko kung sakaling may hawak na pera? Kung ikaw ay matipid, mas makakabuti sayo pero kung magastos ka.
Wag ka ng magtaka kung wala kang maiipon. Saan ba nauubos ang kinita kong pera mula sa aking pagtatrabaho? Mahalagang malaman kung saan napupunta ang perang iyong pinaghirapan nang sa gayun malimitahan ang paggastos sa di masyadong makabuluhan bagay at sahalip mas mapagtutuunan mo ng pansin at mapaglalaanan ng sapat na halaga ang mga mas importante at obligadong bayarin.
Makabubuting gumawa ng budget plan at palagian ilista ang bawat pinagkakagastusan buwan-buwan upang masuri at mapag aralan pang mabuti kung anung mga gastusin pa ang dapat alisin o kung di maialis kahit mabawasan at malimitahan man lang. Sa ganitong paraan nasisimulan na natin turuan disiplinahin ang ating mga sarili sa paggasta, sa pagpaplanong pinansyal at paghawak ng ating pera.
Mahalagang matutunan ang disiplina sa pananalapi. Kung magagawang disiplinahin ang sarili ay hindi na mahirap gawin para satin ang mag impok. At Para mas makatulong lalo ang blog na ito sa maayos at tamang paraan ng pag iimpok. Humango tayo ng kunting payo sa mga matatagumpay na negosyante sa ating bansa patungkol sa kung paano nila narating ang kalayaan sa pananalapi. At ang madalas nilang sabihin, nagsimula sila sa pag iimpok ng pera.
Kahalagahan ng Pag iimpok |

Nagbigay sila ng epektibo at garantisadong formula na dapat sundin sa pag iimpok. Sinasabi nila na iwasan gumastos ng higit pa sa iyong kinikita o sinasahod. Kaya mahalagang sundin ang formulang nasa baba sa pagnanais na makapag impok.
INCOME - SAVING = EXPENSES
payo nila, oras na dumating ang sahod/kinita (income) mula sa iyong trabaho o negosyo, ibawas na agad sa sahod/kinita ang iyong impok (saving) at ang matitira yun ang gagastusin (expenses) hangang sa susunod na pagdating ulit ng sahod/kinita. Kadalasan sa atin, nakasanayan mas inuuna pang bawasin ang gastusin sa kinikita at yung matitira ang sinasabi nating impok (saving).
Pag pinagpatuloy pa ang ganyang nakasanayan, asahan natin walang maiipon. Inirerekomenda nila na mula 20% pataas ng iyong kinita/sahod ang ilaan para sa iyong impok (savings). Kung hindi makakaya ang 20% maari itong bawasan, basta ang mahalaga may maiipon, maliit man o malaking halaga. Palagiang isa isip ang dahilan kung bakit ginagawa ang pag iimpok. Kung nagnanais na mas mapalaki pa ang naiipong pera at makasiguradong ligtas makakatulong na ilagay o ideposito sa bangko.
Madalas din ipinapayo na bago pumasok sa isang negosyo, unahin muna magkaroon ng isang pundong pangkagipitan o yun tinatawag na emergency fund. Ano ba itong emergency fund? Ito yun pundong naipon na katumbas ng tatlo o hangang anim na buwanan sahod. Mahalagang meron nito at palagi nakahanda dahil kahit sino sa atin walang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap lalo na sa panahon ng kagipitan o emergency meron tayong magagastos.
Mahigpit na ipinapayo, wag gagamiting puhunan ang emergency fund kung papasok sa isang negosyo. Hangat maaari mag ipon uli at maglaan ng bagong pundo kung nagnanais magnegosyo. Sundin lang natin ng maayos at may disiplina ang mga nabanggit, nakakasigurado ako maganda ang resulta at maidudulot nito sa atin lahat. Pero iiwan ko pa rin sa inyo ang pagpapasya dahil sa huli ikaw, sarili mo pa rin naman ang magdedesisyon para sa ikabubuti mo. Inuulit ko, napakahalaga ng pag iimpok para ating kinabukasan at hinaharap. Kaya habang maaga pa, simulan ng mag impok..

Tidak ada komentar:
Posting Komentar